Translate

Tuesday, September 25, 2012

A testimonial from the Founder of Team Titans - A VMOBILE Group


Joined Vmobile: Jan 2011
Monthly Income : 400k to 500k
Accumulated Earnings : 5 Million+ Pesos (as of Feb 2012)
Vmobile Team Titans Founder & Team Leader


Ramil Michael Aznar. Father of three. Freelance Video Editor.


Masarap maging video editor, ako gumagawa ng music videos ng mga sikat na artista, mga commercials sa TV at mga AVPs ng mga sikat na companies. Maganda rin ang bayad sa profession ko dahil freelancer din ako, pero dahil sa freelancer ako, hindi mo alam kung kelan darating ang projects kaya hindi ka rin makapag-budget, minsan matagal din dumating yung checks mo, kaya nauutang mo na ito bago pa dumating sa kamay mo. Kaya ang hirap din maka-ipon kapag Freelancer ka.

Isang fear ko pa at tinatanong sa isip ko,

PAANO PAG NAGKASAKIT AKO?
PAANO PAG NAWALAN NA AKO NG CLIENTS?
HANGGANG PAGTANDA KO BA MAG-EEDIT PARIN AKO? 

Last year nag-iisip na rin kaming mag-asawa na mag-migrate nalang sa ibang bansa.  Pero kailangan mo ng malaking show money rin para dito. Inisip din namin mag business ng kung anong pwede mapagkakakitaan. Pero syempre kailangan mo ng malaking halaga pang capital sa business...

December 2010 - Si VMOBILE at ang FACEBOOK
Hilig kong mag FB, sino ba'ng hindi? Dami ko ring nakikitang nagta-tag ng mga kung anu- anong products sa mga friends ko at sa akin pero hindi ko pinapansin. May nakita akong isang CHECK, proof of earning daw nya sa isang company na ang pangalan ay VMOBILE. Hindi ko muna inusisa kung sino si Vmobile, mas interesado ako kung totoo ba itong si HAZ GO na naka name sa check? Dahil alam naman natin na madaming SCAM na nangyari dati sa mga NETWORKING. Pero curious pa rin ako dahil sino ba'ng ayaw kumita ng PERA. So ang una kung inalam ay kung totoo ba itong tao na ito, so sinearch ko ang name nya sa FB, at lumabas naman. In-add ko sya, pero may duda parin ako, so tiningnan  ko lang ang kaniyang profile, photos, at wall, nag investigate, at may nakita nanaman akong mga ibang checks ng ibang tiga-Vmobile, dami palang kumikita rito, sabi ko, so in-add ko lang din sila dahil lalo na akong na curious dito sa Vmobile. May nakita akong link papunta sa youtube, yung presentation ni Peewee (Top Earner ng Vmobile), kahit 10 parts, at 1 hour ang haba, pinagtyagaan kong panoorin ito dahil sobrang curious na ako kay VMOBILE. May nakita rin akong event ng VMOBILE, yung Convention nila sa SMX, so pinuntahan ko ito at dun ko nakita yung mga taong pinag-aadd ko sa FB - totoong tao pala sila =) , napanood ko rin dun yung mga testimonials, ng mga naging millionaires na sa VMOBILE, dito nabawasan na ang duda ko.

I'm ready to join VMOBILE!
Kinabukasan, nag-try ako na i-chat ang isa sa kanila, si Mitchie Santillan, sumagot naman, at niyaya nya akong pumunta sa Business Oriention sa office sa Ortigas; very memorable ang day na ito, 4pm ang sched ko nun sa orientation, pero super traffic dahil ito pala yung EDSA bombing day. So late ako nakarating. Sa 6pm slot ako naka attend, sobrang nagustuhan ko ang business nun, nagjoin na ako that same day.

Being a New TECHNOPRENEUR
Nag-attend ako  ng Tue. & Thurs. Training courses. After nun, nag start na ko mag market ng business ko. Inuna ko sabihan mga relatives ko, pero parang hindi sila interested, nag try din ako mag chat sa mga close friends ko, explain to them the business kaso parang nakikinig lang sila at walang interest, feeling ko nga nun nakukulitan na sila. Yung iba talagang bluntly sasabihin sayo na ayaw nila ng NETWORKING. Pero meron din naman akong mga nainvite na friends na nakapunta sa orientation. Pero pag dating nila roon eto ang mga dahilan:

1. NETWORKING pala yan bro eh, ayaw ko!
2. Meron na kong MLM na pinasukan, medio malaki ininvest ko dun, dito muna ako.
3. Maganda yung business, pero wala akong time pre, busy ako sa work.
4. Wala pa akong P3988 eh
5. Pag-iisipan ko...
6. Ayaw ni misis pre eh...
7. Sales? Hindi ko linya yan pre!
8. Ayaw maniwala ng mga friends ko pre...
9. Networking? Pyramiding!    Scam yan!
10. Sige sali ako dyan, hanap muna ako ng downlines para sure na...

Luckily, may mga sumali parin naman na Relatives & Friends ko =)

Hi Friend! - The Video Presentation
One month nako sa Vmobile, apat pa lang ang downlines ko. Pero happy nako dahil bawi na ang P3988 ko nun, plus yung 4 na technouser na nabenta ko. "Mil, Hirap mag invite sa orientation sa Ortigas, nandito kasi ako sa Cavite, ang layo namin sa office". Ito yung concern ng 4th member ko noon. So, naisip ko since na video editor ako, might as well gamitin na ang talent at gumawa ng Video Presentation. Nag-isip akong kumuha ng Script Writer at Voice-Over Talent - kaso wala pa akong budget para dun, kaya ako na lang din ang gumawa. For two weeks, night & day, eto lang ang ginagawa ko nun, nag stop muna ako sa pag endorse ng Vmobile para matapos lang ito. Kaya nung natapos ko - the rest is history! Dito na dumami ang mga invites ko, Worldwide at Nationwide. Kaya nagpapasalamat ako sa mga nagtiwala sakin kahit hindi pa nila ako ganun kakilala, nagpapadala na sila ng payments para maibili ko sila dito sa Pilipinas ng Vmobile kit.


Sa umpisa lang pala mahirap, daming rejections, daming hindi maniniwala, pero just stay focused at mahahanap mo rin ang market mo. Walang BOSS sa Vmobile, eto ang nagustuhan ko rito, wala kang susundin kung hindi sarili mo lang. You're in the driver's seat, kumbaga.  It's up to you, kung magiging successful ka or a failure sa business na ito. Kaya utusan mo ang sarili mo maging masipag.


Dami ko natutunan dito. Hindi dahil TEAM LEADER ka, ikaw lagi ang  masusunod. Isipin mo ikaw ang parent at sila ang anak mo. Need mo silang turuan, palakihin at gabayan para pag ang member mo na ang nagkaroon ng sarili nilang team, maipapasa rin nila ang natutunan nila sayo.

Malaking tulong nang sumali ako sa Vmobile. Dito ko na kinuha ang pambayad ko ng tuition fees ng kids ko, daily expenses, utility bills, pati mga credit card bills ko nabayaran ko na ng buo.  Nakakapag-abot na rin ako sa mother ko, na hindi ko nagawa sa mga past works ko dahil talagang sakto lang sa gastusin sa bahay, minsan kulang pa nga. At ang maganda rito, nakabayad ka na at lahat, may naiipon ka pa sa bangko; na hindi ko nagawa sa mga trabaho ko dati.

Dati akala ko mga top executives lang ng isang company ang pwedeng kumita ng 400k a month.  Pwede rin pala mangyari sa ordinary person na katulad ko. Diskarte lang at abilidad ang kailangan mo. Walang stress, walang pagod. - or hindi ko nalang siguro nararamdaman, dahil sobrang worth it trabahuhin si Vmobile!

Sa mga nagsisimula palang sa Vmobile, totoong tingnan mo lang ang mga UPLINES mo, gayahin mo ang nagawa na nila, at kung ano'ng narating nila ay mararating mo rin. Nagsimula ako sa earnings na P500, after 6 months, umabot na sa ONE MILLION ang total earnings ko! At nakabili narin ako ng sarili kong SUV in 7 months!

Salamat Vmobile!
Salamat sa mga UPLINES ko!!
at higit sa lahat SALAMAT SA TEAM TITANS!!!
PAYAMAN TAYONG LAHAT!!!!




Ramil Michael AznarVmobile Technopreneur