Translate

Sunday, April 28, 2013

Words from our President, Mr. Ferdinand Allan Bengco

Ito ang opisyal na araw ng ika-5 anibersaryo ng VMobile. Marami-rami na rin ang guminhawa ang buhay dahil sa Empowerment Programs ng patok na negosyong ito. Totoo, may ilang lumipat o nagtayo ng kumpanya na katulad nito, subalit iisang bagay ang hindi maikakaila-- naging malaki ang bahagi ng VMobile sa kanilang buhay. Hindi lang iyan, binago rin ng VMobile ang industriya ng Prepaid Loading sa Pilipinas.

Sabi ng iba, nasusubok ang tibay ng isang kumpanya kung ito ay aabot ng 5 taon. Dumaan ang kumpanya sa maraming pagsubok, hindi ba? At natutuwa tayo na napagtagumpayan natin ang mga ito na sama-sama.

Kaya naman sa ika-5 taon ng VMobile, umasa kayo ng mas lalong pinatibay at pinagandang mga programa ang ihahatid namin sa inyo.

Mabuhay tayong lahat at Maligayang Anibersaryo sa VMobile! ~
Ferdinand Allan Bengco


No comments: